Text:

Santiago 4:8

Content:

Bakit kailangan natin na tayo ay lumapit sa Dios sa pananalangin?

Sa pamamagitan ng panalangin, tayo ay sinasamahan ng Dios (Juan 15:5)

Wala tayong magagawa kung hindi tayo sasamahan ng Dios. Tayo ay may pakikibaka sa spiritual (Efeso 6:12), kaya dapat nating hingin ang pakikisama, ang tulong, at habag ng Dios.

Ang sanglibutan na ating ginagalawan ay puno ng kabalisahan at takot (Juan 10:10). Ang ating panalangin ay may malaking magagawa upang ating mapagtagumpayan ang gawa at daya ng kaaway. Sa panalangin ay mawawasak ang gawa ng diablo (I Juan 3:8). Hindi maaring pagharian ng dilim ang liwanag. Kapag kasama natin ang Dios ang tagumpay ay lagi nating mararanasan, tagumpay sa kaaway, tagumpay sa mga kaguluhan, tagumpay sa mga gawa ng kadiliman.

Conclusion:

Ang sangbahayan na pinananatilihan ang panalangin ay pinaghaharian ng kapayapaan, pag-ibig, at pagkakaunawaan dahil ang gawa ng diablo ay hindi magnanaig sa atin (Juan 10:10). Sa panalangin natin nararanasan na ang ating sangbahayan ay bakuran ng kamay ng Dios.

Categories:

0 Comments

Leave a Reply

Avatar placeholder

Your email address will not be published. Required fields are marked *