Text:
Gawa 1:14
Content:
Sa anomang aspeto ng buhay, malaki ang nagagawa ng pagkakaisa lalo na kung tayo ay magkakaisa sa gawaing pananalangin.
Halimbawa: Ang mga pagtatayo ng gusali ng Iglesia. Ito ay naging matagumpay dahil sa sama-sama nating paggawa. Hindi maitatayo ng isang tao lamang ang isang gusali kung hindi ito ay nangangailangan ng pagkakaisa sa paggawa.
Ang sama-sama nating panalangin ay malaki ang nagagawa sa Iglesia.
Paano ba nahahayag ang kapangyarihan ng Dios sa ating sama-samang pananalangin?
Ang Dios ay gumagawa ng mga hindi pangkaraniwang gawa sa ating pananalangin (Gawa 2:43)
Mga Halimbawa:
Ang gawa ng Dios sa unang Iglesia na ito ay pinalagong mainam mula sa maliit na kalagayan.
Ang PMCC (4th Watch) ay nagpasimula rin sa maliit ngunit ngayon ay pinalagong mainam ng ating Dios. Nasaksihan natin ang pagtatalaga ng mahal na Sugong Apostol sa pananalangin kasama ang mga Obispo, Presbyters, at mga lingkod ng Dios dahilan upang mahayag ang kapangyarihang gawa ng Dios sa loob ng Iglesia.
Ang pagsasagawa ng mga pangangaral tulad ng malawakang krusada, ang HOME FREE Global Crusades.
Conclusion:
Ang Dios ay gumagawang makapangyarihan sa ating pananalangin at nararanasan natin ang pagtatagumpay na mula sa Dios. Ang kapayapaan ay maghahari sa ating sangbahayan kapag tayo ay sama-sama sa pananalangin. Sa pamamagitan ng pananalangin, ibinibigay ng Dios ang kapayapaan, kalakasan, at pananatili sa pananampalataya.
0 Comments