Striving in Prayer in Reaching the Apostolic Goal
Text:
Roma 12:11-12
Content:
Bilang kabahagi sa Iglesia sa ikaapat na pagpupuyat, tayo ang pangunahing inaasahan ng mahal na sugo na maging kaisa sa gawaing pananalangin.
Bakit kailangan nating magsumikap sa panalangin ?
- Mayroon tayong inaabot na goal sa ating paglilingkod (Fil 3:12).
- Ang layunin ng mahal na Apostol ay palaguing mainam ang Iglesia.
Sa paanong paraan?
Sa paggawa ng mga alagad (Mat. 28:19-20). Ito ang isa sa layunin ng mahal na Apostol na kinakailangan nating gampanan.
Paano natin magagawa ang paglilingkod na ito?
Sa pamamagitan ng ating pagsusumikap sa panalangin. Sa ating pananalangin, dito natin naipapakita ang ating pakikisama sa mahal na sugong Apostol sa layunin na maipagtagumpay ang mga gawain sa Iglesia.
Malaki ang nagagawa ng panalangin upang maabot natin ang goal ng Church. Ang panalangin ang isa sa kasangkapan upang maging matagumpay ang layunin ng mahal na Apostol. Sa pamamagitan ng sama-samang pananalangin dito natin mararanasan ang makapangyarihang gawa ng Dios sa atin at sa Kaniyang Iglesia.
Conclusion:
Through prayers, we can experience God’s mighty moving in achieving our Apostolic goal. Lagi natin italaga ang ating mga sarili sa panalangin (Awit 109:4).
Pagsumikapan natin ang gawaing pananalangin dahil ang tagumpay natin ay tagumpay ng kabuuan ng Iglesia sa layunin ng mahal na Apostol.
0 Comments